MATAPOS ang tatlong taon na pagkansela sa Dragon Boat Race dahil sa pandemya, muli na itong ibabalik sa paparating na National Palarong Pambansa sa Hulyo 31.
Magsisilbing opening parade ng Palarong Pambansa ang Dragon Boat Race na isasagawa sa Marikina River at dadaluhan ng mahigit 400 paddlers mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Ito ang unang pagkakataon na ang Marikina City ang siyang mag-oorganisa ng palaro kaya naman nasasabik si Marikina Mayor Marcy Teodoro na maipakita ang sports facilities and amenities ng lungsod.
Samantala, inimbitahan naman ang Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) na mismong mag-organisa ng Dragon Boat Race.
Ayon sa presidente ng PCKDF, ang mga paddling sports ay dapat suportahan ng mga lokal na pamahalaan bilang pangunahing recreational activity lalo na ang bansang Pilipinas ay nagtataglay ng mahahabang baybayin.