NAPATAWAN ang Golden State Warriors forward na si Draymond Green ng one-game ban ng walang bayad dahil sa 16th foul nito ngayong season.
Natanggap ni Green ang pinakahuli nitong technical foul sa natitirang 40 segundo sa 2nd quarter ng laban ng Golden State sa Los Angeles Clippers kung saan ito natalo sa iskor na 134-126.
Sa ilalim ng patakaran ng NBA, ang kahit na sinong player o coach na makatatanggap ng ika-16 nitong technical foul sa kalagitnaan ng regular season ay papatawan ng ban sa isang game.
Dahil dito, hindi makapaglalaro si Green sa laban nito sa Atlanta Hawks bukas.