INAASAHANG makababalik na sa paglalaro ngayong Lunes, Enero 15, 2024 ang nasuspindeng si Draymond Green ng Golden State Warriors.
Noong Disyembre 12, 2023 kung matatandaan ay tinamaan niya sa mukha si Jusuf Nurkic ng Phoenix Suns dahilan para masuspinde ito.
Limang laro pa bago ito ay nagkaroon din ng hindi pagkakaintindihan si Green sa pagitan ni Rudy Gobert ng Minnesota Timberwolves.
Sa kabuuan, nasa 12 games pa bago pinapabalik maglaro si Green at mula dito ay sumailalim siya sa conditioning sessions.
Sa pagbabalik nito ngayong araw, makakalaban ng Warriors ang Memphis Grizzlies.