UUMPISAHAN na ngayong araw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dredging activities sa Marikina River.
Ayon kay DENR Secretary at Task Force Build Back Better Chairman Roy Cimatu kasama na rin sa dredging ang pag-alis sa mga istruktura na umuukupa sa easement areas.
Nais ng DENR na ibalik ang dating anyo ng ilog at alisin ang mga iligal na umukupa na nakaapekto sa daloy ng tubig kapag umuulan.
Base sa land records ng DENR , nasa 25 lot parcels na may total area ng 271,625 square meters o 27 ektarya ang ni- reclaimed ng walang kaukulang permits.
Ito aniya ay isang paglabag sa Presidential Decree 1067 o ang Philippine Water Code.
Sabi ni Cimatu gagawin ang pilot dredging sa bahagi ng ilog malapit sa Marcos Highway sa Barangay Calumpang .
Sasabayan din ito ng bamboo planting activity sa River Banks ng Barangay Industrial Valley Complex.
Mahalaga ang gagawing dredging activities dahil mababaw na ang Marikina River dahil sa natatambakan na ito ng lupa, dala ng matinding pagbaha ng mga nagdaang bagyo sa lugar.