SINIMULAN na ngayong araw ang drive-thru booster vaccination para sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa bagong Ospital ng Maynila.
Ito ay bukas sa lahat ng jeepney driver, tricycle driver, sidecar boy, delivery van driver, at taxi driver.
Nasa 1000 doses ng bakuna ang inilaan ng pamahalaan ng Lungsod sa mga PUV drivers bawat araw mula 8:00am hangang 5:00pm.