Drive-thru booster vaccination sa PUV drivers sa Maynila, sisimulan ngayong araw

Drive-thru booster vaccination sa PUV drivers sa Maynila, sisimulan ngayong araw

SISIMULAN na ngayong araw ang drive-thru booster vaccination para sa public utility vehicle (PUV) drivers sa lungsod ng Maynila.

Daan-daang mga public utility vehicle drivers ang nakapila na ngayong araw para sa drive-thru booster vaccination na matatagpuan dito sa bagong Ospital ng Maynila.

Ang naturang drive -thru booster vaccination ay bukas sa lahat ng jeepney driver, tricycle driver, sidecar boy, delivery van driver, taxi driver mula alas otso ng umaga.

Inaasahan na rin na malapit nang matapos ang konstruksiyon ng 10-story bagong Ospital ng Maynila.

Matatandaan ang P2.3-billion hospital na matatagpuan sa Quirino Avenue ay nagkaroon ng ground breaking noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ang naturang hospital ay isang fully air-conditioned na may 384 beds, 12 intensive care units, at 20 private rooms.

Magkakaroon din ng three-story parking area at isang helipad para sa emergency cases.

Samantala, extended pa rin ngayong araw ang  booster shot drive-thru vaccination para sa motorcycle and bicycle riders o sa mga delivery workers  sa Kartilya ng Katipunan sa lungsod ng Maynila.

Habang magpapatuloy pa rin ang drive thru booster vaccination din sa Quirino Grand Stand para sa foul wheels vehicles.

BASAHIN: No vax, no ride policy, sisimulan na ngayon araw sa Metro Manila

Follow SMNI News on Twitter