Driver na mag-isa sa sasakyan, hindi na kailangan magsuot ng face mask

HINDI na kailangan pang magsuot ng face mask ang driver na mag-isa lamang sa loob ng sasakyan.

Ito ang nilinaw ni Inter-Agency Task Force Co-Chairperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ayon kay Nograles, batay sa abiso ng Department of Health (DOH) ay maaring alisin ng driver ang kanyang face mask habang nasa loob ng sasakyan kung mag-isa lamang ito.

Sinabi ni Nograles na logical lamang ito dahil hindi naman ito makakahawa sa ibang tao.

Una nang sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Director Clarence Guinto na kailangan magsuot ng face mask ang mga tao na nasa loob ng mga pribado o pampubliko sasakyan para maprotektahan ang kaniang mga sarili laban sa COVID-19.

Gayunman, nilinaw ni LTO Chief Edgar Galvante ngayong araw na hindi muna huhulihin o papatawan ng multa ang mga lalabag sa kanilang pulisya na ang mga pasahero na nasa loob ng sasakyan, magkasama man sa bahay o hindi ay kailangan naka-face mask.

SMNI NEWS