Driving school sa Palawan, sinuspinde ng LTO

Driving school sa Palawan, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng Land Transportation Office (LTO) ng 30-araw na suspensyon ang isang driving school sa Palawan.

Ito ay habang iniimbestigahan ang driving school sa posibleng paglabag sa Article VII Section 26.C.7 (Prohibitions for Driving Institutions) ng LTO Memorandum Circular 2021-2284.

Kasunod ito ng natanggap na mga reklamo ukol sa sinasabing iregularidad sa paggamit ng accreditation ng nasabing driving school, partikular sa pagsasagawa ng Theoretical Driving Course (TDC) at Driving Enhancement Program (DEP) nito sa labas ng inaprubahang silid-aralan ng LTO.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng LTO ang mga accredited driving school nito sa buong bansa na maging maingat sa kanilang pagsasagawa ng driver training courses.

Binigyang-diin ni LTO chief assistant Secretary Jose Arturo Tugade ang kahalagahan ng wasto at maayos na pagtuturo sa mga nagnanais na maging drayber.

 

Follow SMNI News on Twitter