Drug addiction, problemang sumisira sa pamilyang Pilipino –PAGCOR Dir. Remulla

Drug addiction, problemang sumisira sa pamilyang Pilipino –PAGCOR Dir. Remulla

NAGSALITA na si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Dir. Gilbert Remulla matapos mahuli ang kanyang pamangkin sa isang anti-drug operation.

Kamakailan, nahulihan ng high-grade marijuana o kush si Juanito Jose Diaz Remulla III, panganay na anak ni Justice Sec. Boying Remulla na kapatid ng direktor ng PAGCOR.

Sa kanyang Twitter, naglabas ng hinanakit ang nakababatang Remulla sa sinapit ng kanyang pamangkin.

Saad niya, bawat pamilya ay may dagok na kinakaharap na ngayo’y dumadaan sa kanilang mag-anak.

Giit din nito na ang ‘drug addiction’ ay tunay na sumisira sa buhay at dumudurog sa puso ng magkaka-pamilya.

“Many families have crosses to bear. This is ours. Drug addiction is the scourge that ruins lives, tears families apart and breaks loving hearts,” ani Remulla.

Follow SMNI NEWS in Twitter