Drug den sa Angeles Pampanga binuwag ng PDEA

Drug den sa Angeles Pampanga binuwag ng PDEA

SINALAKAY at binuwag ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III at Naval Intelligence Security Group Northern Luzon ang isang drug den at naaresto ang anim na drug suspect sa buy-bust operation sa RD Reyes St., Brgy. Angeles City, Pampanga kaninang madaling araw, Abril 5.

Sa report ng PDEA Tarlac Team Leader kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang mga nahuli na suspek na sina Lawrence Gayola Capulong, 30, Darwin Raymund Sangalang, 30 Rjay Barnobal Yanga, 21, Norberto Fernandez Pallasigue, 31, Jaypee Liwanag Monajan, 39, at Philip Salangad Tagulao, 34, mga residente ng Angeles City.

Nakumpiska sa mga ito ang nasa pitong piraso ng plastic transparent sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000, sari-saring mga gamit sa droga, at marked money na ginamit sa operasyon.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble