NALANSAG ng NALANSAG ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan PO, sa pakikipagtulungan ng Orion MPS, ang isang drug den…Drug den sa Bataan Bataan PO, sa pakikipagtulungan ng Orion MPS, ang isang drug den bandang 8:35 pm, Martes, Mayo 21, 2024.
Batay sa inisyal na report ng PDEA Bataan Provincial Office kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang apat na suspek na sina Rona Buenaventura y Baluyot, 39, Zaldy Cruz y Reyes, 38, kapwa residente ng Brgy. Bilolo, Orion, Bataan; Allan Buenaventura y Baluyot, 44 anyos, residente ng Brgy. Kitang II & Luz, Limay, Bataan; at Edgardo Roxas y Sagun, 49, residente ng Sandigan Village, Orion, Bataan.
Ang pag-aresto ay humantong din sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P88.4-K; sari-saring mga gamit sa droga; at ang buy-bust money.
Ang mga nakumpiskang illegal substance ay ipapasa sa PDEA RO III laboratory para sa forensic examination.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.