Drug den sa Parañaque, sinalakay; P1.5M halaga ng Shabu, nasakote ng mga pulis

Drug den sa Parañaque, sinalakay; P1.5M halaga ng Shabu, nasakote ng mga pulis

SINALAKAY ng mga operatiba ng NCRPO-Southern Police District ang isang drug den sa Brgy. Merville, Parañaque City kahapon araw ng Lunes, Nobyembre 11, 2024.

Bukod sa drug den, nasakote rin ang nasa 22 gramo ng shabu na may street value na P1.5M halaga ng shabu sa lugar.

Kinilala ang primary suspect na si Reynaldo Lipata Jr. y Cavitiño, a.k.a. “J,” at mga kasabwat nitong sina Edjane Agana, Reymar Cena, at Mark Anthony Ozores.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Patuloy ang pakiusap ng NCRPO sa publiko na agad ipagbigay alam sa mga tauhan ng pulis ang mga kahina-hinalang kilos ng sinumang indibidwal sa mga komunidad partikular na sa paglaban sa ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter