Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Calamba

Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Calamba

NASAMSAM ng pulisya ang higit 130,000 pisong halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Barangay Turbina, Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni Police Colonel Cecilio Ison Jr., Acting Provincial Director ng Laguna Police, nahuli sa operasyon ang suspek na kinilalang si Victor Tolarba, 30 taong gulang.

Nakuha sa kanya ang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 10,200 piso at 1 bloke ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng 120,000 piso.

Mahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasa kustodiya na ito ng Calamba City Police Station habang isasailalim sa forensic examination ang mga nakuhang ebidensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Twitter