ISASAMA ng Department of Education (DepEd) sa dry run ng face-to-face classes ang 500 paaralan.
Batay kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, maliban sa Metro Manila kung saan mataas ang bilang ng COVID-19 cases, magkakaroon lang aniya ng limampung school participants ang bawat rehiyon para sa naturang dry run.
Inaasahan naman ng DepEd na mapagbibigyan sila na isagawa ito sa susunod na buwan matapos iginiit ng ahensiya na ang physical classes ay ang pinaka-epektibo na educational process.
Tiniyak naman ng DepEd na pananatilihin nilang small-scale ang mga isasagawang klase sakaling aprubahan.
Mental health programs, pinabubuo
Samantala, pagbuo ng responsive mental health programs ang isinusulong ni House Committee on Health Chairperson Angelina “Helen” Tan.
Dapat na gawin ng Commission on Higher Education, Department of Education at sa local government units (LGUs) ang nasabing hakbang.
Kaugnay ito sa mataas na antas ng mental health problem issues sa bansa dala ng lockdown at nagdudulot ng fatigue sa publiko.
Matatandaang napaulat ng National Center for Mental Health o NCMH na mahigit tatlong libo na ang natanggap na tawag ng ahensiya sa kanilang hotline mula Enero 1 hanggang Marso 15.
Kaugnay dito, pinamamadali na rin sa Department of Health (DOH) ang paglalaan ng pondo para sa mabubuong mental health programs kabilang na nag community-based mental health care facilities.
Hiniling na rin ng CHED at DepEd na dagdagan ng mental health professionals para matulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa blended-learning mode.
(BASAHIN: DepEd, target na maabot ang 27-M enrollees para sa SY 2021-2022)