Dry run para sa COVID-19 vaccination sa lungsod ng Taguig, sinimulan na

SINIMULAN na ngayong araw ang dry run para sa COVID-19 vaccine  ng lokal ng pamahalaan ng Taguig.

Ang COVID -19 vaccination dry run ay ginawa sa Lakeshore Mega Complex ng Taguig City na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Dinaluhan din ang nasabing kaganapan ng iba’t ibang opisyal kasama na rin ng Inter Agency Task Force CODE Team.

Sa senaryo ng COVID -19 dry run ipinakita ang step by step process ng vaccination.

Una, kailangan munang  dumaan sa pre-registration ang bawat mamamayan.

Hinihikayat dito ng lokal na pamahalaan ng Taguig na kumuha ng Taguig citizens ID ang mga mamamayan.

Ang naturang ID ito ay naglalaman ng pangunahing impormasyon at QR code na magagamit para sa vaccination process.

I-download lamang ang Trace application sa mga cellphone o maaari ding mag register sa www.trace.taguig.gov.ph.

Maaaring makuha ang QR code sa mobile app o kaya naman i download ito  sa website.

Sa pagtatapos ng prosesong ito, makakatanggap ng notification mula sa cellphone at tawag mula sa baranggay health center kaugnay sa skedyul ng bakuna.

Pagkatapos nito ay maaari nang tumuloy sa step by step procedure.

Una ay ang registration, dito ay kailangang ipakita ang Taguig citizen ID for verification para ma -scan sa registration na magbibigay ng vaccination guide, vaccination card, assessment form na may kaakibat na inform consent form.

Ang ikalawang hakbang ay counseling kung saan meron ally professional and volunteers ang lungsod na syang mamumuno sa procedure na ito.

Sa parteng ito manonood ang mga pasyente ng informative videos na inihanda mismo ng lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng video na ito ay sasagutan ang lahat ng mga katanungan tungkol sa COVID-19 vaccine.

Para sa karagdagang katanungan, puwdeng lumapit sa mga nakatalagang counselor upang mabigyang linaw at may kalayaan ang mamamayan na magpatuloy o re-schedule ang prosesong ito.

Kung hindi pa handa ay maaari naman itong sabihin sa nakatalagang health workers para naman sa nais na magpatuloy maaari nang mag proceed sa susunod na hakbang.

Ang susunod na hakbang ay ang screening kung saa dadaan sa medical examination ang pasyente upang masuring mabuti ang kalagayang  pangkalusugan.

Kung hindi naman medical qualified, ia-update ang record sa system ng assigned health workers kaakibat ng  dahilan ng hindi pagkakwalipika at muling i –reschedule.

Kung qualified naman ay pipirmahan ng nakatalagang mga doktor  ang  assessment form at pipirmahan naman ang inform consent form na nasa ibabang bahagi nito.

Matapos makumpleto ang lahat ng ito ay maaari ng magpatuloy sa vaccination.

Sa hakbang na ito, ay bibigyan na  ng bakuna laban sa COVID -19, gamit ang Taguig citizens ID, i a-update ang record sa system ng  nakatalagang health worker.

Matapos nito ay pipirmahan ng doktor ang vaccination card at ipapasa naman ang assessment form  na may kaakibat na inform consent form.

At ang pinakahuli ay ang post vaccination monitoring kung saan dito susuriin ang magiging reaction ng katawan sa bakuna, i-momonitor ang vital sign at ang mga sintomas na maaaring lumabas.

Maghihintay lamang ng 30 minuto hanggang isang oras upang maobserbahan ng doktor o kaya ng health workers.

Huwag ding mag-atubiling isangguni sa doktor kung may masamang nararamdaman upang mabigyan ng karampatang lunas.

Ayon naman sa alkalde walang dapat ipangamba ang isang pasyente dahil anumang oras ng pagbabakuna ay nakaantabay naman ang ambulansya kung may emergency agad dadalhin sa malapit na ospital.

Dito rin makukuha ang vaccination sticker na nagpapatunay na nabakunahan na ang isang mamamayan.

Tandaan din na kailangan ingatan ang patients copy ng vaccination card dahil ito ang magsisilbing requirement ng 2nd vaccine.

Sinasabing ang first dose ng vaccine ang siyang tutulong para sa ating immune system upang makabuo ng response laban sa COVID-19.

Ang ikalawang dose naman ay kailangan para pag-ibayuhin  naman ang immune system para sa long term protection nito.

Ayon kay Cayetano hintayin ang anunsyo ng lokal na pamahalaan para sa 2nd wave ng vaccination sa lungsod.

Target ng lungsod na mabakunahan ang mga Taguigeño na nasa 30K bawat araw sa loob lamang ng 23 araw sa higit 670K Taguigeños.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.