DSWD, handang makipagtulungan sa mga programa ng DepEd para mabawasan ang illiteracy

DSWD, handang makipagtulungan sa mga programa ng DepEd para mabawasan ang illiteracy

HANDANG makipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Education (DepEd) para sa layuning mabawasan ang illiteracy sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Lunes kaugnay sa pilot implementation ng “Tara, Basa!’’ Tutoring Program.

Aniya, nais nilang i-reformulate ang education assistance program ng ahensiya at kailangan ang technical expertise ng DepEd para sa education competency.

Ilan sa mga naisagawa ng DSWD para sa programa ang pagsasagawa ng mga parenting ang reading workshops sa 31,234 elementary students na hirap magbasa gayundin ang 31,207 na parents at guardians.

Naglunsad din ang DSWD ng 6,101 na kita para sa second hanggang fourth year college students sa ilang piling unibersidad at kolehiyo at pampublikong unibersidad sa Metro Manila.

Magpapatuloy naman ani Gatchalian ang tutoring program sa Metro Manila at palalawakin pa ng ahensiya ang programa sa kalapit na rehiyon sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble