DSWD, hindi papayagan na may mga pulitikong makikialam sa pamamahagi ng ayuda gaya ng AKAP

DSWD, hindi papayagan na may mga pulitikong makikialam sa pamamahagi ng ayuda gaya ng AKAP

NANINDIGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi nila hahayaan na may mga epal na politikong makikialam sa pamamahagi ng ayuda sa mga benipisyaryo ng ayuda para sa AKAP.

Ito ang binigyang-diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao sa press briefing, araw ng Huwebes.

Kasunod ito ng anunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na aprubado na ang hiling ng DSWD na exemption para sa AKAP, AICS, 4ps at iba pang programa ng ahensya.

Una ring sinabi ng COMELEC na isa sa mga dapat masunod ng DSWD ay dapat walang pulitiko na makikita sa distribusyon ng anumang mga ayuda.

‘’Yung isinasagawa na identification of the beneficiaries, vetting and assessment of the beneficiaries even up to the actual distribution of aid ay mga DSWD personnel ang gumagawa,’’ ayon kay Asec. Irene Dumlao.

‘’Tinitiyak na rin ng DSWD na walang mga pulitiko sa mga payouts activities na isasagawa ng DSWD. So, we will make sure na we will abide or comply of with that recommendation of the COMELEC,’’ saad nito.

Kung maaalala, pinuna ng ilan nating kababayan sa social media ang AKAP program na ginagamit daw ng mga pulitiko upang kunin ang boto lalot nalalapit na ang midterm elections ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter