LAYUNIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mapalakas ang disiplina at pagpapahalaga sa edukasyon para masigurong magagamit nang tama ang ayudang natatanggap.
Sa kasalukuyan, nasa 4.3 milyong pamilya ang sakop ng 4Ps program sa buong bansa.
Sa ginanap na aktibidad ng DSWD kasama ang ilang miyembro ng 4Ps, muling ipinaalala ng ahensya ang kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa pag-ahon mula sa kahirapan.
Bahagi ng kondisyon ng 4Ps ang regular na pagpasok sa paaralan ng mga anak, at ang pagdalo ng mga magulang sa family development sessions.
Samantala, kasama sa education criteria program ng pagtanggap ng cash grants ang pag-aaral ng mga batang tatlo (3) hanggang labing walong (18) taong gulang at mapanatili ang walumpu’t limang porsyentong (85%) attendance rate.
Inaasahan pa rin ang patuloy nitong pagsisilbing tulay para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga batang benepisyaryo.
Dagdag pa ng DSWD, nakatuon ang ahensya hindi lamang sa pagbibigay ng ayuda, kundi sa tunay na pagbabago ng buhay ng bawat benepisyaryo — sa pamamagitan ng edukasyon, disiplina, at malasakit sa pamilya.