IPINANAWAGAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo ang pagkakaroon ng evacuation center sa bawat munisipalidad.
Aniya, madalas na ginagamit ang mga paaralan bilang evacuation centers kung kaya’t bilang resulta ay naantala rin ang mga pasok lalo na kung ang mga pansamantalang naninirahan dito ay nawalan na ng bahay.
Ito’y kahit maganda na ang panahon at wala nang bagyo.
Nauna nang inihain ni Sen. Sherwin Gatchalian ang isang Senate bill na naglalayong magkaroon ng evacuation centers sa bawat syudad at munisipalidad ng bansa.
Ayon kay Gatchalian, ang evacuation centers ay kailangang makaka-survive ng 320 kilometers per hour na lakas ng bagyo at maging paglindol na aabot sa magnitude 7.2.