DSWD kinuwestiyon ni Sen. Bong Go hinggil sa suspensiyon ng guarantee letters para sa mga pasyente

DSWD kinuwestiyon ni Sen. Bong Go hinggil sa suspensiyon ng guarantee letters para sa mga pasyente

NAIS ni Sen. Bong Go na magpaliwanag ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa pansamantala nilang pagsuspinde sa paglalabas ng guarantee letters na nakatutulong makabawas sa hospital bills ng mga pasyente.

Nauna nang sinabi ng DSWD na magsisimula ang suspensiyon sa Disyembre 13 bilang bahagi ng year-end accounting o ang tinatawag na pagsasara ng libro.

Ayon sa senador, nais niyang malaman kung tama ba na sinususpinde ang paglalabas ng guarantee letters gayong hindi naman napipigilan ang pagkakasakit ng publiko.

Gusto ring alamin ng butihing senador kung makatao ba ang timing ng suspensiyon lalo na’t sasapit na ang Pasko at Bagong Taon.

Sa mga nakaraang pagdinig ng Health Committee, hindi nakakalusot kay Sen. Go ang ilang health-related policies ng iba’t ibang ahensiya na nadidiskubreng hindi katanggap-tanggap sa estado lalo na ng mahihirap na pasyente.

Kabilang na rito ang P500B na sobra-sobrang pondo ng PhilHealth na ayon sa senador ay dapat mapakinabangan ng Pilipino at hindi hinayaang natutulog lamang at nakatengga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble