DSWD, maglalagay na ng ready-to-eat food boxes sa mga pangunahing pantalan

DSWD, maglalagay na ng ready-to-eat food boxes sa mga pangunahing pantalan

NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Philippine Ports Authority (PPA) upang maglagay ng ready-to-eat food boxes sa mga pangunahing pantalan sa bansa.

Paghahanda ito lalong-lalo na tuwing may sakuna gaya ng bagyo na maaaring magpapahinto sa biyahe sa dagat.

Sa ilalim ng kasunduan, itatabi ang mga food pack sa mga pasilidad na pinamamahalaan ng PPA sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mas mabilis na maipamahagi ang tulong sa mga pasaherong na-stranded.

Ang bawat food box ay naglalaman ng limang lata ng tuna paella, isang lata ng chicken pastil, isang lata ng ginigiling, dalawang pack ng arroz caldo, tatlong pack ng champorado, dalawang protein biscuit at isang complementary food item para sa sanggol.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble