BUMISITA si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa Ilocos Norte matapos ang 6.7 magnitude na lindol kagabi.
Ayon kay Tulfo, mayroon ang ahensya na P3 milyong standby fund at nasa 10,000 food packs ang kanilang ipapamahagi sa mga biktima ng lindol sa probinsya.
Sa initial reports, nasa 55 na kabahayan ang partially damaged at isa ang totally damaged kasunod ng malakas na lindol.
Nasa 36 katao naman ang bahagyang nasugatan at 2 ang kasalukuyang ginagamot sa ospital bunsod ng minor injuries.
Sinabi ni Tulfo na makakatanggap ang bawat nasiraang bahay ng P10,000 cash aid.