ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Valenzuela City First District Representative Rex Gatchalian bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang panunumpa sa tungkulin ni Gatchalian nitong Martes, Enero 31.
Matatandaang sa ilalim ng pamumuno ni Gatchalian bilang alkalde, napabilang ang Valenzuela sa Top 10 Outstanding Local Governance Programs sa Galing Pook Awards noong 2021.
Nakilala rin si Gatchalian para sa mga programang nailunsad para sa social protection at disaster response.