DSWD, nagbabala sa kumakalat na link ukol umano sa Christmas gift ng ahensiya

DSWD, nagbabala sa kumakalat na link ukol umano sa Christmas gift ng ahensiya

NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na maging maingat sa kumakalat na link ukol umano sa Christmas gift ng ahensiya.

Pinabatid ng DSWD sa kanilang FB post na walang katotohanan ang kumakalat na link na nagsasabing makatatanggap ng Christmas gift na nagkakahalaga ng P7,000 mula sa DSWD kapalit ng pagsagot sa isang survey questionnaire.

Ayon sa ahensiya, huwag magpalinlang sa mga post o link na hindi naka-post sa official Facebook ng DSWD upang hindi mabiktima ng scam.

Inaabisuhan din ang publiko na agad idulog o i-report sa ahensiya kung may makitang kahina-hinalang post o mensahe.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble