DSWD, nagbabala sa naglipanang scam na target ang SAP beneficiaries

DSWD, nagbabala sa naglipanang scam na target ang SAP beneficiaries

NAGBABALA ang Department of social welfare and Development (DSWD) sa nagsusulputang  mga scam na target ang mga beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP).

Ang naturang paalala ay isinagawa matapos makatanggap ang ahensya ng reports patungkol sa mga phishing scam sa mga SAP beneficiaries.

Napag-alaman na may ilang indibidwal ang nagpapanggap na tauhan ng financial service providers at DSWD upang makakulimbat ng pera sa mga biktima.


Payo ng DSWD sa mga nakatanggap na ng cash aid mula sa SAP, na maging maingat at huwag ibigay ang kanilang M-pin, OTP at iba pang confidential information sa kung sinu-sino.

Hinimok din ng DSWD na agad na i-report sa kanila ang makikitang pekeng accounts o numero na gumagamit ng pangalan ng ahensya para makapangloko.

12.28 milyong SAP beneficiares, nakatanggap na

Samantala, nakatanggap ng ikalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP ang mahigit 12.28 milyong pamilya.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa DSWD, kabuuang 12, 287,655 na pamilyang benipisyaryo ang nakatanggap na ng second tranche ng SAP.

Katumbas ito ng P74.2 bilyong halaga ng pondo na naipamahagi ng ahensya para sa programa.

Patuloy naman ang isinasagawang payout para sa 2nd tranche ng SAP na target na matapos bago matapos ang buwan ng Agosto.

Inilunsad ang USAPTAYO website para sa mga reklamo sa SAP 

Inilunsad naman ng DSWD ang USAPTAYO website para sa mga reklamo sa SAP.

Ang USAPTAYO website ay isang online platform kung saan ang publiko ay maaaring magpadala ng katanungan at magsumite ng hinaing hinggil sa distribusyon ng SAP.

Tiniyak naman ng DSWD na mabilis nilang matutugunan ang ipadadalang katanungan o reklamo online.

Magtatakda rin ang kagawaran ng isang unique reference number na maaaring magamit upang mag-follow-up at subaybayan ang isinumiteng katanungan o reklamo.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.