DSWD nagbigay babala sa pekeng “DSWD-AKAP Page”

DSWD nagbigay babala sa pekeng “DSWD-AKAP Page”

NAGBIGAY babala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko patungkol sa kumakalat ngayon na pekeng ‘AKAP Financial Assistance Program’ Page.

Ayon sa opisyal na pahayag ng DSWD, ang nasabing page ay gumagamit ng mga programa ng ahensiya na walang pahintulot.

Naging sanhi pa ito ng pagkalito sa mga Pilipino.

Mapapansing sa post ng pekeng page, sinasabing makakatanggap ng tulong-pinansiyal na nagkakahalaga ng P3,000 ang sinumang magpapalista at magpapadala ng mensahe sa page.

Ang nasabing page ay ginawa noong Mayo 19, 2024, isang araw matapos inilunsad ng DSWD ang AKAP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble