SINIGURO ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nasa 153,000 food packs na ang naihatid sa probinsiya ng Albay bilang hakbang para sa 90-day relief assistance sa mga evacuees ng Bulkang Mayon.
Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga national agencies na magbigay ng relief assistance sa mga evacuees na aabot ng hanggang 90-araw na maximum period ng pag-alboroto ng Bulkang Mayon.
Ayon naman sa DSWD, kung tatagal ng tatlong buwan ang pag-alboroto ng Bulkang Mayon, muling makikipagpulong ang departamento sa concerned local government units upang magawan ng paraan ang relief packs ng mga evacuees.