IPRENISENTA ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang accomplishment report ng ahensiya gayundin ang mga pangunahing programa at ipatutupad na inisyatiba nito sa pagpupulong na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Malacañang Palace nitong Mayo 30, 2023.
Kasama rito ang ‘Walang Gutom 2027’, The Philippine Food Stamp Program to End Hunger; ‘Buong Bansa Handa’.
Ang programa ay isang whole of a nation disaster response na gumagamit ng kasalukuyang imprastraktura ng supply chain ng pribadong sektor sa pamamagitan ng framework agreements kasama ang national at regional grocers.
Bukod dito, iprinesenta rin ni Gatchalian ang patungkol sa paglikha ng DSWD Academy na bubuhay sa Social Welfare and Development Center for Asia and the Pacific (SWADCAP) para magkaloob ng basic social welfare at development certificate programs gayundin ang ‘Paspas Serbisyo’, na may layuning i-digitalize ang paghahatid ng social welfare assistance, at iba pa.