DSWD, nakapag-abot ng halos P2.8-M cash assistance sa mga residente ng Davao City

DSWD, nakapag-abot ng halos P2.8-M cash assistance sa mga residente ng Davao City

NAGHATID ng tulong pinansiyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng Brgy. Panacan at Sasa sa Panacan, Davao City nitong Huwebes.

Mismong si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at DSWD Secretary Erwin T. Tulfo ang personal na namahagi ng ayuda.

Nasa halos P2.8 milyon na cash assistance at family food packs ang ipinaabot sa mga naturang residente.

Gayundin, namahagi ang iba pang national government agencies sa Region XI gaya ng DA, DOLE, at DTI.

Follow SMNI NEWS in Twitter