NAKAHANDA na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na rumesponde sa mga lokal na pamahalaan na posibleng maapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha na dulot ng Amihan.
Binabantayan ngayon ng ahensya ang sitwasyon sa mga lalawigan sa Cagayan Valley at Eastern Visayas.
Naka-prepositioned na rin ang DSWD Field Office II ng mga relief item para sa 83 lokal na pamahalaan at 2 provincial LGUs sa rehiyon.
Kabilang dito ang 24,400 family food packs at 5,400 non-food items.
Tuluy-tuloy rin ang koordinasyon nito sa Municipal Action Teams habang naka-standby na rin ang kanilang disaster response personnel.
Sa Eastern Visayas naman ay naka-monitor ang DSWD-Field Office VIII partikular ang binabaha sa ilang lugar sa Tacloban.
Mayroon ng ₱100-milyong available standby funds ang DSWD at 576,455 family food packs para sa maapektuhang rehiyon.