DSWD, namahagi ng tulong-pinansiyal sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Surigao del Sur

DSWD, namahagi ng tulong-pinansiyal sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Surigao del Sur

INUMPISAHAN na ng Department of social Welfare and Development (DSWD) ang distribusyon ng tulong-pinansiyal sa mga pamilyang nasiraan ng bahay dahil sa malakas na pagtama ng lindol sa Surigao del Sur.

Pinangunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal sa Provincial Capitol nito.

Ang naturang cash aid ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Tiniyak naman ni Sec. Gatchalian, bukod sa mga pamilya ay makatatanggap din ng tulong ang local government units (LGUs) na napinsala ng lindol.

Kasunod din ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na tuluy-tuloy na tulong sa mga pamilya sa Mindanao na naapektuhan ng magnitude 7.4 earthquake nitong Disyembre.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble