NANANAWAGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga food donation para sa kanilang ‘Walang Gutom’ Kitchen Initiative.
Ang mga restaurant at fast-food restaurant ang pinaka-hinihikayat ng ahensiya na magbigay ng mga donasyon.
Bukas din ang DSWD sa mga indibidwal na handang mag-volunteer ng serbisyo para sa inisyatibo.
Ang ‘Walang Gutom’ Kitchen Initiative ay inilunsad noong Disyembre 16, 2024 at pinaka-benepisyaryo rito ang mga homeless na kabataan, indibidwal o mga pamilya na nakararanas ng kagutuman.