NANANAWAGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga boluntaryo na tumulong sa kanilang quick response teams (QRT) na mag-repack ng mga relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong “Paeng.”
Ayon sa DSWD, mayroon silang 91 repacking volunteers sa pangunahing warehouse nito, ang National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City.
Pinayuhan ang mga boluntaryo na dalhin ang kanilang COVID-19 vaccination card.
Ang mga boluntaryo ay binubuo ng mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology, barangay volunteers, Philippine Air Force members, pribadong indibidwal, DSWD-QRT members at NROC PhilCare personnel.
Samantala magpapatuloy ang repacking operations hanggang Nobyembre 11.