DSWD nilinaw na para lang sa indigent senior citizens ang SocPen Program

DSWD nilinaw na para lang sa indigent senior citizens ang SocPen Program

TANGING indigent o mahihirap na senior citizens lamang ang kwalipikadong makatanggap ng P1K kada buwan sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SocPen) Program.

Ginawa ang pahayag bilang tugon sa kumakalat na maling impormasyon sa social media na lahat umano ng nakatatanda ay may karapatang tumanggap ng social pension anuman ang kanilang estado.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mas mainam na kumonsulta lamang sa opisyal na social media accounts at website nila para sa tamang impormasyon.

Sa datos ng ahensiya, mahigit apat na milyon (4,085,066) ang kwalipikadong indigent senior citizens na saklaw ng SocPen Program.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble