PINURI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang United Nations-World Food Program (UN-WFP) sa walang patid na suporta nito bilang pangunahing katuwang sa pagbibigay ng logistical assistance at paghahatid ng mga relief items sa mga Local Government Units (LGUs) na apektado ng sakuna sa bansa.
Sa datos ng National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) ng DSWD, tumulong ang UN-Body sa paghahatid ng humigit-kumulang sa 27,000 Family Food Packs (FFPS), 8,500 hygiene kits, 2,500 kitchen kits, 25,000 piraso ng regular slotted na karton at 40,000 piraso ng kilo ng bigas sa mga biktima ng baha sa Region 9.
Naghatid din ang UN-WFP ng 8,500 boxes ng FFPS, 86 kitchen kits, at 1,000 sleeping kits sa Rehiyon ng Caraga.
Para sa Rehiyon 10, tumulong din ang UN-WFP sa paghahatid ng 15,300 FFPS, 3,000 hygiene kits, 2,000 kitchen kits, 280 family tents at 2,000 sleeping kits.
Samantala nagpaabot din ng pasasalamat ang DSWD sa NDRRMC sa ilalim ng Office Of Civil Defense (OCD) sa agarang pagpapakilos ng mga asset at tauhan upang matiyak na ang lahat ng lugar na apektado ng malakas na pag-ulan dahil sa low pressure area.