DSWD sa mga kliyente: Mag-avail ng AICs sa satellite office na malapit sa tirahan

DSWD sa mga kliyente: Mag-avail ng AICs sa satellite office na malapit sa tirahan

PINAAALALAHANAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw, Hunyo 1 ang mga kliyente na mag-a-avail ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICs) na pumunta sa satellite office na pinakamalapit sa kanilang tinitirhan.

“Simula ngayong araw, Hunyo 1, ang mga kliyente ng AICs ay dapat pumunta sa DSWD satellite office na pinakamalapit sa kanilang mga lugar na tinitirhan dahil ito ay magiging mas maginhawa at matipid para sa kanila,” ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez.

Ang AICs ay nagsisilbing social safety net o isang stop-gap na mekanismo upang suportahan ang pagbawi ng mga indibidwal at pamilya mula sa mga hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, natural at gawa ng tao na mga sakuna, at iba pang mga sitwasyon ng krisis.

Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagtatayo ng AICs satellite processing areas alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.  upang magbigay ng tulong mula sa gobyerno sa pinakamadali at pinakamabilis na paraan para sa mga nangangailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter