UMAASA si Department of Social and Welfare Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo na magiging maayos ang pagpapatuloy ng distribusyon ng education cash assistance bukas, araw ng Sabado.
Ayon sa kalihim, hindi pa rin inaalis ng ahensya ang posibilidad na magkaroon pa rin ng kaunting aberya.
Dagdag pa ng kalihim, mananatili silang nakabantay sa anumang maaring adjustment o fine tuning na dapat gawin.
Lalo na at mayroon pang limang Sabado na kailangang bunuin.
Nakatulong din ang mga siyudad at bayan sa pay-outs para maiwasan ang pagsisiksikan.
Sa huli ay ipinaalala ni Sec. Tulfo na tanging ang may online appointment ang i-entertain sa pamamahagi ng cash assistance.