DSWD, sinigurong masusunod ang mandato ni PBBM sa ahensiya

DSWD, sinigurong masusunod ang mandato ni PBBM sa ahensiya

SINIGURO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat silang tulong na maibibigay para sa mga apektadong residente ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Sa panayam ng SMNI News kay DSWD Asec. Romel Lopez, sinabi niya na ito ang pinakamandato sa kanila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. lalong-lalo na kung may kalamidad.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Lopez na aabot sa P220-M standby funds.

P674-M naman na halaga ng nasa 89-k family food packs ang kanilang inihanda.

Nasa mahigit P1-B rin na non-food items gaya ng family at modular tents, maging ang hygiene at sleeping kits.

Naka-monitor din ang mga regional office sa sitwasyon.

Maliban sa pamahalaan ay nagbigay rin ng tulong ang United Arab Emirates (UAE) para sa mga apektadong residente.

Hinggil naman sa Bulkang Taal, mabuti ang kalagayan ng mga tao dito dahil hindi na pinatirhan muli ang permanent danger zone nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter