DTI, gumagawa ng solusyon para makasabay ang mga MSMEs sa e-commerce

DTI, gumagawa ng solusyon para makasabay ang mga MSMEs sa e-commerce

INIHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na gumagawa na sila ng hakbang para mapabilang sa e-commerce ang mga maliliit na negosyante.

Sa isang pahayag, sinabi ng DTI na mayroong dine-develop na co-shares of services na puwedeng i-tap sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Matutulungan ng DTI ang mga maliliit na negosyante na magkaroon ng digital assets, website at pictures upang mapabilang sa online market places.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DTI sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa ginagawang priority project para sa digital market place para sa maliliit na negosyante.

Follow SMNI NEWS in Twitter