HINIMOK ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mamamayan na piliin ang mga rehistradong shops kung bibili online.
Ayon kay Undersecretary Ruth Castelo mas ligtas ang mga transakyon kung opisyal na nakarehistro ang bibilhan na online shops ng isang consumer.
Saad ni Castelo, tumaas ang bilang ng reklamo na natanggap ng DTI patungkol sa online businesses nung nakaraang taon kung kailan rin nagsimula ang pandemya, kumpara taong 2019.
Nasa 16,000 complaints ang naitala taong 2020 habang 2,500 lamang ang naiulat taong 2019.
Sa pagpasok rin ng taong 2021, 1,200 complaints na ang naipaabot sa ahensiya as of January 31.
Saad rin ni Castelo makakatulong ang pagbili sa mga rehistradong online business sa ekonomiya ng bansa.
Paliwanag ni Castelo sa tuwing may benta ang mga registered online retailers nadaragdagan ang kita ng national government dahil nakakabayad sila ng buwis.
Aniya isang malaking industriya ang ecommerce at inaasahang dodoble ang kontribusyon nito sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon lalo na ngayong marami na ang nag-o-online shopping.