ITINATAG ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang national halal industry and trade office upang ganap nang dalhin ang Pilipinas sa global halal industry sa susunod na taon.
Sa pahayag ng DTI-Halal Industry and Trade Office Program, magsisilbi itong daan na gawin ang Pilipinas bilang isang ‘halal-friendly’ destination sa buong mundo.
Ang itinatag na halal office rin ang mangunguna sa pagtataguyod ng ‘Halal-Friendly Philippines’ campaign para mai-promote ang economic benefits ng halal products at services.
Target din nito na mas mapalawak pa ang business opportunities ng bansa, at makapag-aalok ng trabaho sa mga tao.