PAIIGTINGIN pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang suporta para sa lokal na mga negosyo upang makahikayat ng mga dayuhang investor sa bansa.
Paraan ito ng ahensiya para makapagbigay ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino at masolusyona na ang unemployment rate.
Sa survey noong Oktubre 2024, nasa 1.97 milyon ang walang trabahong mga Pilipino.
Mas mababa ito kumpara sa 2.09 milyon sa kaparehong panahon noong 2023.