DTI, may payo sa mga bibili ng Christmas lights ngayong Pasko

DTI, may payo sa mga bibili ng Christmas lights ngayong Pasko

PINAYUHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa mga bibilhing Christmas lights ngayong Christmas season.

Sa Laging Handa public briefing, pinaalalahanan ni DTI Undersecretary Ruth Castelo ang mga consumer na mas maging maingat sa pagbili ng mga Christmas decorations lalo na ng Christmas lights.

Ayon kay Castelo, dapat tingnan ng consumers ang ICC stickers sa box ng mga produkto.

Nagdeploy rin aniya sila ng karagdagang staff para mapaigting ang kanilang monitoring sa basic necessities at kalidad ng Christmas products.

Hinimok naman ni Castelo ang mga manufacturer ng Christmas products na magpatupad lamang ng price ceiling hanggang 10%.

Sinabi ng opisyal na nasa 10 hanggang 20 manufacturers na ang nag-abiso sa kanila na magtataas ng presyo sa kanilang mga produkto.

 

Follow SMNI News on Twitter