DTI, naglabas ng bagong price guide para sa Noche Buena items

DTI, naglabas ng bagong price guide para sa Noche Buena items

INANUNSIYO ng Department of Trade and Industry (DTI) na higit 150 produkto ang tumaas na ang presyo.

Nagtitingin na ng mga presyo ng panghanda sa Pasko si Ate Lorena sa isang grocery store sa Makati City.

Mas mainam kasi aniya na mapaghandaan ang mga bibilhing Noche Buena product na pasok sa kaniyang budget.

“Kapag napapadaan kami ay tumitingin na kami, at least mapaghandaan din. Mataas sila ngayon, kung saan na lang makakamura at kung ano na lang ang kayang ihanda,” ayon kay Lorena, Mamimili.

Halos isang buwan bago ang Pasko ay naglabas na ang DTI ng bagong price guide para sa mga Noche Buena product.

Nasa kabuuang 240 na mga Noche Buena item ang nasa listahan ng bagong price guide.

Ngunit, nasa 152 na produkto ang nagtaas-presyo ngayon kumpara noong 2022.

Kabilang sa mga tumaas ang presyo ay ilang brand ng hamon, cheese, keso de bola, salad macaroni, elbow macaroni, at mayonnaise.

Tumaas din ang presyo ng ilang brand ng sandwich spread, pasta, spaghetti sauce, tomato sauce, all-purpose cream, at fruit cocktail.

Ang itinuturong dahilan ng pagtaas-presyo ng mga nabanggit na produkto ay bunsod ng mahal na raw materials at transportasyon.

Kaya ang inilabas na price guide ay magsisilbi lamang gabay ng mga konsyumer sa kanilang pamimili.

Sinabi ni DTI Sec. Alfredo Pascual, manufacturer kasi ang nagdidikta sa presyo ng mga Noche Buena product.

“We are able to give consumers the option or alternatives. They will see which ones are price low and which one are price high. It’s up to the consumer to decide,” pahayag ni Sec. Alfredo Pascual, Department of Trade and Industry.

Dahil sa price increase, may ilang supermarkets na raw ang hindi na muna nagbebenta ng mga Noche Buena item.

“The smaller chains which are the majority of the supermarket operators medyo nagkakarga ‘yun na nga lang kami kapag assured ang sales like corporate ang buyer to buy their employees and clients assured ang buyers sigurado na ang benta kung sigurado na ang benta tsaka kami umoorder. Kasi ang hirap kapag umoorder kami ng sobra hindi na bale kung kulang kaysa sobra,” saad ni Steven Cua, President, PHL Amalgamated Supermarket Association.

“What we do to the keso de bola and hamon after Christmas and after New Year Day di ba,” aniya.

Habang ang grocery store naman na sa Brgy. Pitogo sa Makati City ay ilang Noche Buena items lang din ang ibinebenta.

“Medyo dahil tumataas ‘yung presyo pero depende kapag may supply talaga na medyo mura na kinukuha ng boss namin doon ay medyo bumababa naman at hindi naman medyo mataas ang pagkuha,” aniya.

Pero, nilinaw ng DTI Chief na hindi nila kontrolado ang presyo ng mga Noche Buena item dahil hindi ito sakop ng kanilang Suggested Retail Price (SRP).

“Manufacturer should take care dealing with retailers that is selling their products at higher than the suggested retail price. Hindi ito kamukha nung SRP were DTI takes action against the retailer by giving them a letter or notice of inquiry,” wika ni Sec. Alfredo Pascual, Department of Trade and Industry.

Pero, kung may retailer na sobra na ang patong ay iaalerto ito ng DTI upang pagpaliwanagin.

Gayunpaman, may ilang brand pa rin naman ng Noche Buena items ang nananatiling mababa ang presyo.

“Out of 240 of SK use that will be in the Noche Buena price guide ay 34 SK use ay walang pagbabago ng presyo at 21 SK use ay nag-decrease ng presyo,” ayon kay Asec. Amanda Nograles, Consumer Protection Group.

Follow SMNI NEWS on Twitter