DTI, nagsagawa ng inspeksyon sa ilang supermarkets sa Metro Manila; Ilang Noche Buena, tumaas na

DTI, nagsagawa ng inspeksyon sa ilang supermarkets sa Metro Manila; Ilang Noche Buena, tumaas na

ININSPEKSIYON ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng Noche Buena sa ilang supermarkets sa Metro Manila.

Sa paglilibot ng DTI sa pangunguna ni Undersecretary Ruth Castello sa Puregold Malabon, nakitang tumaas na ang presyo ng ilang Noche Buena products gaya ng spaghetti sauce, pasta, gatas at all purpose cream.

Tumaas din ng hanggang P56 kada bote ang presyo ng mayonnaise kung ikukumpara sa presyo noong 2021 batay sa monitoring ng DTI.

Ang mga Noche Buena products ay hindi kasali sa basic goods na may suggested retail prices.

Nanindigan naman si Castello na mas magandang mamili na ngayon ng ilan pang Noche Buena habang hindi pa tumataas ang presyo.

 

Follow SMNI News on Twitter