INUTUSAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang lokal na sangay ng Philip Morris International na itigil ang promosyon ng kanilang sinusuportahang Steve Aoki concert.
Ayon sa ahensiya, nilabag ng kompanya ang Section 12 ng Republic Act No. 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, na nagbabawal sa paggamit ng mga celebrity sa promosyon ng e-cigarettes at heated tobacco products.
Bawal din ang pagsuporta o sponsorship ng anumang sports, konsiyerto, o cultural na event.
Ipinaliwanag ng Philip Morris na handa silang sumunod sa mga regulasyon ng pamahalaan.