DTI, positibong aabot sa 7.5% ang GDP ng Pilipinas ngayong 2021

NANINIWALA ang Department of Trade and Industry (DTI) na lalago ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ng 6.6 hanggang 7.5 percent ngayong 2021.

Ayon kay DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo, nakakabawi na ang karamihan sa mga negosyo nitong huling quarter ng 2020 matapos luwagan ang quarantine status.

Batay naman sa datos ng United Nations Conference on Trade and Development, sa kabila ng pagbagsak ng Foreign Direct Investments o FDIs sa buong mundo ng 42 percent, nakapagtala naman ng positive 30 percentage ang Pilipinas.

Inaasahan din ani Rodolfo na magpapatuloy ang approved FDIs ngayong taon matapos ang 53- year high na P1.02 trillion.

SMNI NEWS