DTI Sec. Lopez, hindi pa rin pabor sa face to face classes

BAGAMA’T aprubado na ng gobyerno na makalabas ngayon ang mga may edad 10 hanggang 65, hindi pa rin pabor si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa face to face classes.

Ito ang inihayag ni Sec. Lopez sa naging regular press briefing ng Malacañang.

 “Imaginine po natin ‘yong intensity ng interaction ‘pag nasa eskwelahan yong bata, tabi-tabi ang mga mag-aaral, ang mga estudyante, constant interaction. Mas hindi ho natin mabantayan. Alam niyo po, they spend so many hours with that kind of environment,” pahayag ni Lopez.

Ani Lopez, mas hindi mapoprotektahan ang mga bata sa paaralan at mas manganganib ang kanilang kalusugan.

Paglilinaw ni Lopez, makalalabas ang mga bata na may edad sampu pataas ngunit dapat kasama ang mga magulang.

Dagdag pa ni Lopez, ito ay upang magkaroon ng family bonding at tumaas din ang kita ng mga negosyo.

SMNI NEWS