DTI, suportado ang pansamantalang pagtatanggal ng taripa sa mga electric vehicles

DTI, suportado ang pansamantalang pagtatanggal ng taripa sa mga electric vehicles

INIHAYAG ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang suporta nito para sa pansamantalang pagtatanggal ng taripa para sa mga electric vehicles sa loob ng 5 taon.

Ayon kay Pascual, ipinanukala ng DTI ang pagtanggal ng taripa dahil layon nilang mahimok ang mga Filipino na lumipat sa paggamit ng electric vehicles at upang mapababa na rin ang presyo nito.

Dagdag ni Pascual ang pansamantalang pagtanggal ng taripa ay makatutulong upang tumaas ang bilang ng mga bumibili sa electric vehicles at dahil dito ay mas madadagdagan ang EV charging stations sa bansa.

Ngunit ayon kay Pascual, kontra sa panukala ang mga grupo ng electric vehicles association o The Philippines at Motorcycle Development Program Participants Association dahil sa nais din nitong mapasama sa nasabing panukala ang mga e-motorcycles.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter