TARGET ng Department of Trade and Industry (DTI) na mapalawak pa ang halal industry ng bansa.
Ito’y para makamit ng bansa ang pagiging “most halal-friendly trade and investment destination” sa Asia Pacific region.
Makatutulong pa ani DTI Sec. Alfredo Pascual ang pagpapalawig ng halal industry sa pagbibigay ng 120,000 mga trabaho sa susunod na limang taon.
Makatutulong din ito sa economic growth sa larangan ng trade and investments ng hanggang P230-B.